Saturday, April 6, 2013

Ang PassedOn na ba ang babago ng buhay ng maraming Pilipino?

Nasa Pilipinas na ang Makabagong Digital Diary!

Ako'y gumagamit ng facebook ng mapadaan ang mga mata ko sa isang link galing sa isang kaibigan ko sa la sa facebook.  Sinubukan ko itong buksan at nakita ko ang isang video ng mag-anak.  Bigla akong naging interesado sa 'di malamang dahilan.  May kung anong kurot sa puso ko ang dumapo at tila nakaka-relate ako sa konsepto ng website na ito.



Dahil dito, sinubukan kong silipin ang website at nakita kong para pala itong isang personal na diary.  Kung dati ay nauso ang diary sa pamamagitan ng pagsusulat sa isang libro o notebook, ngayon ay high technology na dahil isa itong digital diary na maituturing at kakaiba sa lahat.

May paghahambing din sa facebook dahil pwede kang mag-save ng mga larawan, videos, mga saloobin o nararamdaman mo pero makikita ito ng marami o maaari mong i-private.  Ang sa PassedOn naman, maaari mo ring i-save ang mga larawan at video.ngunit may isa itong kakaibang konsepto, ang pagsusulat ng mga damdamin na ikaw lang ang makaka-alam at ang iyong mga Minamahal.

Paano?  Napaka-simple lamang.  Ang gagawin mo lamang ay mag-register ng libre at mag-assign ka ng tatlong pinaka-malapit sa puso mo.  Maaaring ang iyong ina, matalik na kaibigan at kasintahan.  Mas magandang hindi related sa isa't-isa ang iyong mga mahal sa buhay upang maging protektado ang iyong account.  Kapag ikaw ay nakapag-rehistro na, magpapadala ang PassedOn ng notipikasyon sa iyong mga itinalagang Mahal sa Buhay, at ito'y nangangailangan ng kumpirmasyon nila, dahil kung hindi, hindi rin magiging tagumpay ang pagrehistro mo at walang makakatanggap ng mga eWills (Emosyonal Wills) mo sa nais mong makatanggap nito.

Ano-ano ba ang batayan ng pwedeng isulat sa eWills mo?  Maaari mong ilahad ang saloobin mo gaya ng secret crush mo, mga itinatagong lihim na walang pewdeng maka-alam kundi ikaw lang, mga itinatago mong personal na investment, pag-aari o bank accounts mo.

Ang mga ito ay ilan lamang sa maari isulat sa iyong account.  Kailan ito maaaring malaman ng iyong itinalagang Mahal sa Buhay?  Depende sa iyo.  Pwedeng pagkalipas ng 1 taon, 10, o pag ikaw ay nagkaroon ng karamdaman o maaari ding maipasa ito pag ikaw ay wala na.

Hindi ba't napakaganda nito?  Lahat ng detalye sa buhay mo mula ng sinilang ka ay maaari mong ilagay dito.

Naalala ko tuloy ng ipinagbuntis ako ni Mommy.  Album pa lang ang gamit nya dati dahil di pa uso ang facebook.



Pagkatapos ng ilang buwan ay nalaman nilang ito'y lalaki!! At ako yun!


Eto na ako!! lumabas na pagkalipas ng 9 na buwan.  Tuwang-tuwa daw sila mommy at daddy dahil napaka-lusog ko.  Ngayon ay maaari ko ng ilagay sa PassedOn ang bawat yugto ng buhay ko. :)

Ginagarantiya ng PassedOn ang seguridad ng iyong account at siguradong makakarating ito sa tamang tao at panahon na nais mo.  Ngayon ay alam ko na ang kaibahan ng facebook at PassedOn.
Sa Facebook kasi pag nawal ka na, kung walang ibang nakaka-alam ng password mo, malilibing na ito sa limot.  Sa PassedOn, para kang may private lawyer na maaaring magparating ng mga kahilingan mo, huling habilin sa mga Mahal mo sa Buhay at ito'y walang bayad.

Ikaw...Kailan ka mag-uumpisang pagyamanin ang bawat oras at magagandang ala-ala sa buhay mo?

No comments:

Post a Comment